SKELETAL WORKFORCE AT PAGSUSPINDE SA TANGGAPAN NG DTI LA UNION- PROVINCIAL, PANSAMANTALANG IPATUTUPAD

Pansamantalang ipapatupad ang Skeletal Work Force, pagsuspinde sa pagtanggap ng mga kliyente sa DTI La Union Provincial at pansamantalang pagsasara sa tanggapan ng DTI-Negosyo Centers para sa mandatory quarantine ng mga empleyado dito simula June 28, 2021.

Ang anunsyong ito ng ahensiya ay inilabas sa kanilang Facebook page para bigyang kaalaman ang mga magtatangka pupunta sa mga naturang tanggapan.

Nagsimulang nagsara ang tanggapan ng DTI La Union Provincial kahapon June 28, 2021 para bigyang daan ang contact tracing na isasagawa sa mga empleyado dito ngunit wala pang inaanusyong araw kung kailan ito magbabalik operasyon gayundin ang opisina ng DTI La Union ay pansamantalang nakasara din simula June 28 hanggang June 2, 2021 sa isasagawang mandatory quarantine sa mga empleyado din nito.


Samantala, mangyari lamang umanong bumisita sa kanilang mga official pages online para sa mga may transaction sa naturang opisina.

Facebook Comments