Skeletal workforce, ipapatupad ng DFA Passport Division sa mga lugar na nasa MECQ

51

Magpapatupad ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng skeletal workforce sa mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula April 12 hanggang April 30, 2021.

Partikular sa Consular Offices ng DFA sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.


Kabilang dito ang Consular Offices sa Aseana, Parañaque City, Antipolo, Dasmariñas, Malolos at San Pablo sa Laguna.

Ang skeletal work teams ng DFA Consular Offices ay mag-o-operate mula alas-8 ng umaga hanggang alas -12 ng tanghali para mag-asikaso sa emergency o urgent cases lamang.

Ang mga apektadong aplikante ay i-a-accomodate mula Mayo hanggang Hulyo at sila ay padadalhan ng email para sa kanilang bagong schedule ng appointment.

Facebook Comments