Skilled workers sa Kuwait, hindi kasama sa Deployment Ban – DFA

Manila, Philippines – Nilinaw ng Dept. of Foreign Affairs na hindi kasama sa Deployment Ban ang mga Skilled Workers sa Kuwait.

Ayon kay Raul Dado II, Executive Director Office of the Undersecretary for Migrants Worker Affairs, hindi kasama sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pinoy na maayos ang kalagayan.

Sinabi rin ni Dado na mahigit 2,000 Overseas Filipino Worker na ang nagtungo sa embahada ng Pilipinas sa Kuwait para magpasaklolo sa gobyerno.


Facebook Comments