Skills inventory ng mga repatriated overseas Pinoy, kailangang gawin para maitugma sa kasalukuyang demand ng labor market

Nanawagan si Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva sa gobyerno na mag-imbentaryo ng kasanayan ng libu-libong mga Overseas Filipino Worker (OFW) na pinauuwi bunsod ng pandemya upang maitugma ang mga ito sa kasalukuyang demand sa labor market.

Giit ni Villanueva, kailangan kumilos ang pamahalaan para hindi maging bahagi ang OFWs ng unemployment statistics.

Pangunahing pinapaaksyon ni Villanueva dito ang Department of Labor and Employement (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


Paliwanag ni Villanueva, tungkulin ng gobyerno na mag-facilitate sa pagitan ng mga worker at employers para siguruhing mabibigyan ng trabaho ang mga umuwing OFW.

Facebook Comments