URBIZTONDO, PANGASINAN – Pormal nang inilunsad sa bayan ng Urbiztondo ang Skills Training for Employment Program ng Lokal na Pamahalaan at TESDA Pangasinan Technological Institute.
Ito ay sa pamamagitan ng isang training induction program na dinaluhan naman ng 22 kwalipikadong iskolar.
Ang naturang mga benepisyaryo ay ang mga dating estudyanteng residente mula sa iba’t ibang barangay sa bayan na walang kakayahang makapag-aral sa kolehiyo, mga out-of-school youth, at walang trabaho.
Layon ng programa na sanayin sila sa Shielded Metal Arc Welding NC I na mahalaga para sa pagtatatag ng Urbiztondo Livelihood and Training Center (ULTC) nang maiangat ang pamumuhay sa gitna ng kinakaharap na hamong dulot ng pandemya.
Facebook Comments