Nagpapatuloy pa rin sa pagbibigay ng iba’t ibang kasanayan ukol sa pagtatrabaho ang lokal na pamahalaan ng Alcala para sa mga residente nito.
Sa kasalukuyan, ay mayroong mahigit walumpu (80) mga mag -aaral ang sumasailalim sa pagsasanay sa kasanayan na ginaganap sa Alcala Training Center bilang bahagi ng pagkuha ng kursong Housekeeping NC II, Electrical Installation NC II, at Maintenance NC II at Shielded Metal Arc NC II.
Ang naturang mga kasanayan ay pinangungunahan sa ilalim ng gabay at pangangasiwa ng mga skilled trainer mula sa Pangasinan School of Arts and Trades (PSAT) Lingayen, Pangasinan kung saan nagsimula ang naturang skills training program na ito noong nakaraang March 23, 2023.
Matatandaan na nagkaroon nang Mass Graduation para sa mga estudyanteng matagumpay na nakumpleto ang mga kinakailangan sa pagsasanay at sa Housekeeping NC II at Food and Beverage Services NC II sa parehong lugar noong Marso 22, 2023.
Ayon sa LGU, tuluy-tuloy umanong gagawin para sa pagpapalakas ng mga komunidad sa pamamagitan ng paghasa sa kakayahan at potensyal ng mga nasasakupan nitong mga residente. |ifmnews
Facebook Comments