SKILLS TRAINING | TESDA, magbibigay ng training sa mga magsasaka

Manila, Philippines – Hiningi na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang tulong ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para bigyan ng kapasidad ang kagalingan ng mga farmer beneficiaries.

Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, nangako si TESDA Director General Atty. Guiling Mamondiong na aarmasan nila ng technical skills ang mga benepisaryo sa ilalim ng comprehensive agrarian reform program upang mapaunlad ang kanilang lupang nai-award.

Palalakasin ng TESDA ang pangangailangan sa basic education ng mga magsasaka.


Magiging pokus ng skills training ay ang pakikipagtalastasan o communication, math and logical thinking gayundin ang pagpapataas sa pagkamaparaan at mapanglingkha innovative and creative capacity ng mga farmer beneficiaries.

Ito ay ilan lamang sa capacity building ng DAR maliban sa iba pang-ayuda sa mga farmer beneficiaries sa bansa.

Facebook Comments