Slam Dunk competition, planong isama sa halftime ng NBA All Star Game

35

Planong isama sa halftime ng 2021 All Star Game ang Slam Dunk competition ng NBA sa March 7 na gaganapin sa State Farm Arena sa Atlanta.

Ito ay dahil sa pagtutol ng ilang NBA superstars na pansamantalang itigil ang naturang liga dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.


Dahil dito, inaasahan ng NBA at national basketball players association na magiging maayos ang format ng All Star Game maging ang health and safety protocols.

Darating ang lahat ng manlalaro sakay ng mga private planes at agad ding aalis sakaling matapos ang laro.

Facebook Comments