SLAUGHTERHOUSE SA BAYAN NG MANGALDAN, TINIYAK ANG MAAYOS NA PAGTALIMA SA PROTOCOLS NG NMIS; ANG BAYAN, NANATILING ASF FREE

Tiniyak ng Mangaldan Slaughterhouse ang patuloy at maayos na pagtalima sa itinakdang protocols ng National Meat Inspection Service (NMIS) na alinsunod na rin sa pagiging isang Class ‘AA’ slaughterhouse.
Napapanatili umano ang kalinisan ng slaughterhouse sa pamamagitan ng pagkakaroon ng wield bath na may chlorine na siyang magdidisinfect sa lahat ng pumapasok na meat transport vehicle, gayundin ang pagkakaroon ng washing station at ang standard na pagsuot ng mga butcher ng hairnet at uniform.
Sa pagkatay naman ng mga karne ay sinisiguro ng kawani ng Mangaldan Municipal Abattoir na bago ipasok ang mga ipapakatay na mga karne ay kinakailangang maipresenta ang mga nararapat na dokumento tulad ng negatibong resulta mula ASF Result, health certificate at iba pa.

Tiniyak din na ASF Free ang mga karneng ipinapasok sa slaughterhouse ng Mangaldan, bunga ay isa ring ASF Free na munisipalidad at maaari at malaya itong maibenta sa iba’t-ibang bahagi sa bansa.
Samantala, bukod sa nakamit na license to operate bilang isang Class ‘AA’ slaughterhouse ay target pa ng bayan na makamit din ang Class ‘AAA’ na kung mangyari man umano sa patuloy nilang pagcomply sa pamantayan ng NMIS ay magiging kauna-unahang government owned Class ‘AAA’ slaughter ng nasabing bayan sa buong Pilipinas. |ifmnews
Facebook Comments