SLEX, nakahanda na sa pagdagsa ng mga motoristang magbabakasyon ngayong Semana Santa

Nakahanda na ang South Luzon Expressway (SLEX) sa inaasahang pagdagsa ng mga magsisipag-uwian sa kani-kanilang probinsya para sa Semana Santa.

Ayon kay Manuel Bonoan, pinuno ng Skyway Corporation, inaasahan nilang tataas ng 10 porsiyento ang bilang ng mga bibiyahe sa Holy Week.

Aniya, inihahanda na rin nila ang seguridad at mga help desks para makatulong sa mga motorista sa susunod na linggo.


Nabatid na nasa 370,000 sasakyan ang bumabaybay sa expressway araw-araw.

Kasabay nito, umapela si Bonoan sa mga babiyahe na maging kalmado at dapat habaan ang pasensiya sa kalsada sa pagdami ng pasahero para maiwasan ang road rage.

Muli namang nanawagan ang SLEX na siguraduhing maayos ang kondisyon ng sasakyan bago bumiyahe para maiwasan ang pag-o-overheat ng makina ng sasakyan, na karaniwang problema sa tag-init.

Facebook Comments