
Binuksan na ng pamahalaang lungsod ng San Carlos ang slot reservation para sa libreng dialysis treatment upang matulungan ang mga pasyenteng nangangailangan ng naturang serbisyong medikal.
Prayoridad sa programa ang mga residente ng San Carlos City na wala pang nakukuhang slot para sa dialysis, gayundin ang mga kasalukuyang nagpapagamot sa mga pasilidad sa labas ng lungsod.
Ayon sa pamahalaang lungsod, hinihikayat naman ang mga pasyenteng kasalukuyang nagpapagamot sa mga dialysis facility sa loob ng San Carlos City na ipagpatuloy na lamang ang kanilang gamutan doon upang mabigyan ng pagkakataon ang iba pang pasyente na makakuha ng life-saving treatment.
Para sa pagpaparehistro, maaaring magtungo ang mga pasyente o kanilang kinatawan sa Mayor’s Office – Kaagapay Desk upang magpalista, kasabay ng mga medical document na magpapatunay na nangangailangan ng dialysis treatment ang pasyente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










