
Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Vienna na naghahanap ang Slovak Republic ng 16,000 drivers para sa transport sector nito.
Ayon sa embahada, pangunahing hinahanap ng Slovak ang Filipino drivers dahil sa skills, work ethic, at sa husay ng mga Pinoy sa pagsasalita ng English.
Tiniyak naman ng Philippine Embassy ang proteksyon sa Filipino migrant workers sa bagong labor markets sa Central at Eastern Europe.
Samantala, ang Migrant Workers Office sa Vienna, Austria na siyang nakakasakop sa Slovak Republic ay patuloy rin ang pakikipagtulungan para sa promosyon ng ethical recruitment para sa skilled Filipino drivers at transport professionals sa Slovak companies.
Facebook Comments









