SLOW BUT SURE | Senador Sotto, pumalag sa naging pahayag ni House Speaker Alvarez na mabagal ang Senado sa pagpasa ng batas

Manila, Philippines – Dumepensa si Senator Tito Sotto sa naging pahayag ni
House Speaker Alvarez na mabagal sa pagpapasa ng mga panukalang batas.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Sotto na “Slow but
Sure” sa sagot nito kay Alvarez na makupad ang Senado sa pagpasa ng mga
panukalang batas.

Nilinaw ni Sotto kaya mabagal dahil masusi nilang pinag-aaralan at binusisi
ng husto ang lahat ng mga nilalaman ng mga isinusumite sa kanila upang
matiyak na pakinabangan ng taongbayan.


Ipinagmalaki pa ni Sotto na nasa Bicam na ang kanyang panukalang batas na
Press Freedom Law dahil ang unang panukala ay Print lamang hindi kasama ang
TV at Radyo kaya naisipan ng Senador na magfile sa Senado at isinama na ang
Broadcast Media.

Facebook Comments