SM Cauayan City, Nagbigay ng Kasiyahan sa mga Street Children!

Cauayan City, Isabela – Nagbigay ng kasiyahan kaninang umaga ang mga empleyado at volunteers ng SM Cauayan City sa mga street children ng Barangay District 3, Cauayan City, Isabela sa ilalim ng proyektong “ChriSmiles”.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ms. Krystal Gayle Agbulig, ang Public Relations Manager ng SM Cauayan City ay sinabi niya na nabigyan ng mga regalo, palaro at snack treats ang limampung batang kalye mula sa District 3 na kinilala naman ng City Social Welfare Development Office.

Aniya, ang regalo na ibinigay sa mga bata ay naglalaman ng grocery packs o pangunahing bilihin at kasabay din ang ipinamahaging Bears of Joy.


Dagdag pa ni Ms. Agbulig na bawat taon isinasagawa ng SM Cauayan City ang kanilang proyektong ChriSmiles sa layuning makapagbigay ng saya sa mga bata sa komunidad sa pamamagitan ng kahit simpleng regalo.

Samantala, ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni SM Mall Manager Ms. Sheila Marie Estabillo, kasama ang mga empleyado, SM volunteers at naging panauhin si Sangguniang Panlungsod Member Cynthia Uy-Balayan.

Nakiisa rin ang mga opisyal ng Brgy. District 3 at ilang empleyado ng CSWDO sa naturang akibidad.




Facebook Comments