SM Center Tuguegarao Downtown, Sinuportahan ang CAVRAA 2018!

Tuguegarao City- Aktibong nakibahagi ang SM Center Tuguegarao Downtown sa ginanap na CAVRAA ngayong taon bilang pakikiisa sa pagho-Host ng Tuguegarao City.

Ang CAVRAA 2018 ay may temang “Transforming the fire of unanimity, progress and excellence through sports.

Sa ibinahaging impormasyon ng SM Center Tuguegarao Downtown sa ginanap na CAVRAA kamakaylan, nagpaunlak ang naturang mall dahil dito ginanap ang ilan sa mga akitibidad na kinabibilangan ng Table Tennis , Washu (Indoor games), Cultural Night at Pre-Pageant.


Bumida naman sa ginanap na CAVRAA 2018 pre-pageant sina Mr.Santiago City at Ms. Nueva Viscaya.

Dagdag pa rito, ay isinagawa rin ang pasiklaban sa pagpapakita ng talento at kultura ng mga Tuguegaraoeños sa ginanap na Cultural nights na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa ibat-ibang bahagi ngTuguegarao City.

Kabilang sa mga delegadong dumalo at lumahok ay mula Nueva Vizcaya, Quirino, Batanes, Isabela, Santiago City, Cauayan City, City of Ilagan, Tuguegarao City at Cagayan.

Isa nanaman ito sa hindi malilimutang pangyayari ngayong taon sa pakikipagtulungan ng SM Center Tuguegarao Downtown na nagdulot ng payapa, masaya at matagumpay pagtatapos ng CAVRAA 2018.



Facebook Comments