Cauayan City, Isabela- Dahil sa patuloy na pagkalat ng 2019 nover Coronavirus ay naghahanda na rin ang pamunuan ng SM City Cauayan upang maiwasan ang naturang sakit.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ms. Krystal Gayle Agbulig, Press Relation Manager, kanyang sinabi na kailangang ugaliin ang wastong paghuhugas ng kamay at pagiging malinis sa katawan upang makaiwas sa nakamamatay na sakit.
Nationwide aniya ang kanilang pagsasagawa ng preventive measures dahil maging sa iba pang branches ng SM Supermalls ay mayroon din ginagawang paghahanda para sa kapakanan ng mga magtutungo sa mall.
Sa mga mall entrances at rest rooms ay mayroon nang nakalagay na hand sanitizer’s na libreng gagamitin ng mga mall goer’s at sa mga gagamit ng banyo.
Mapapansin rin aniya sa kanilang mga frontliners, security guards, at janitor na nakasuot na ang mga ito ng face mask bilang proteksyon din sa kanilang mga sarili.
Importante aniya na mag suot ng face mask at panatilihin ang personal hygiene upang lalong malabanan ang naturang kumakalat na sakit.