SM City Cauayan, Nagdaos ng Annual Fire Drill!

Cauayan City, Isabela- Bilang pakikibahagi sa paggunita ng fire prevention month, buong pagkakaisang idinaos ng SM City Cauayan ang kanilang Annual Fire Drill kanina Marso, 13, 2018.

Ito ay sa pangunguna ng SM City Cauayan, Bureau of Fire Protection, Rescue 922, Cauayan City Risk Reduction Management Office at PNP Cauayan.

Ang naturang aktibidad ay nilahukan naman ng mga empleyado ng mall at mga tenants mula sa iba’t-ibang establishimento.


Sa ibinahaging impormasyon ni PR Manager Kristal Gail Agbulig sa RMN Cauayan News Team, Layunin umano ng nasabing aktibidad na ihanda ang mga empleyado sa mga hindi inaasahang sakuna gaya ng sunog.

Dagdag pa niya, responsibilidad umano nilang tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa na namamasyal sa naturang mall sa pamamagitan pagbibigay ng mga kaalaman at pagiging handa ng mga empleyado sa pagtulong sa mga ito kung dumating man ang hindi inaasahang sakuna.

Samantala, itinuro sa fire drill ang mga tamang mga hakbang sa pag-apula ngapoy gamit ang fire extinguisher at pagtuturo ng kaalaman sa pagbibigay ngpaunang lunas.

Inaasahan ngayon na ang kanilang naging paghahanda ay makatutulong upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isang mamamasyal sa nasabing mall.

Tags: Luzon, Cauayan City, Isabela, DWKD 98.5, RMN Cauayan, Kristal GailAgbulig, SM City Cauayan

Facebook Comments