SM City Cauayan, Nagdaos ng Sensitivity Seminar para sa mga Persons with Disability

Cauayan City,Isabela- Nagsagawa ng online seminar ang SM City Cauayan tungkol sa maayos pagtugon sa iba’t ibang mga pangangailangan ngayon ng customers.

Alinsunod sa pagsisikap na matiyak ang pagsasama ng mga taong may kapansanan at mga importanteng pangangailangan sa kanilang magiging karanasan sa pag-iikot sa mall.

Sa pamamagitan ng programa ng SM Cares tungkol sa mga Persons with Disability, nakasentro ang seminar upang turuan ang mga frontliner ng mall at mga empleyado nito sa pagbibigay ng isang dekalidad na serbisyo sa customer at ligtas na kapaligiran para sa mga taong may iba’t ibang pangangailangan.


Kabilang naman sa mga nagbigay inspirasyon si Arch. Jaime Silva ng United Architects of the Philippines, Committee on Accessibility, Bb. Lita Evangelista ng “Tahanang Walang Hagdan” at Sebastien Saflor, founder ng Hard of Hearing Philippines.

Nagbahagi naman ng ilang tips ang mga panelist sa pakikitungo sa mga customer na may mga kapansanan sa paningin, hirap mapakilos at mahina ang pandinig kung saan dapat kailangang makatugon sa kanilang mga pangangailangan.

Gayunman, ibinahagi rin ng mga resource speaker ang kanilang personal na karanasan sa mga pasilidad at customer service sa lahat ng nabisitang SM Malls.

Nakatakda namang magkaroon ng susunod na online seminar sa July 28, 2021 para sa iba pang grupo ng frontliners habang itinakda naman sa mall tenants sa darating na Setyembre.

Sa paglipas ng mga taon, hangad ng SM na makagawa ng isang masayang karanasan para sa lahat ng bibisita sa mall.

Para sa mas masayang mall experience, siniguro ng SM management na magiging komportable ang lahat dahil sa maayos na toilet facilities, maayos na parking areas,elevators at pasilyo para mas madaling ma-access ng mga kabilang sa Persons with Disabilities na magtutungo sa mall.

Ang mga handrails, ramps, parking slots sa mga PWD at special lane sa mga senior citizen at PWDs cashier lanes ay isa lamang sa mga pagsisikap ng mall na mas maayos ang magiging karanasan ng mga ito.

Gayundin, ang mga security personnel at frontliner ng mall ay laging handang tumulong sa mga PWD mall-goer.

Patuloy na pinalalakas ng SM ang misyon nitong ang bawat SM Mall ay para sa lahat at makalikha ng mas maayos na sitwasyon ng free-environment kung saan pakiramdam ng bawat customer ang ligtas at katanggap-tanggap.

Facebook Comments