SM City Cauayan, Nakiisa sa Brigada Eskwela 2019!

*Cauayan City, Isabela- *Boluntaryong nakiisa ang SM City Cauayan sa isinasagawang Brigada Eskwela ng DepED Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula kay Ms. Krystal Gayle Agbulig, Public Relation Manager ng SM City Cauayan, bukod sa mga guro at magulang ay tumulong din sa paglilinis, pagmimintina, pagpipinta ng mga upuan at silid aralan sa Cauayan City National High School-Marabulig Extension ang mga empleyado ng mall, mga kawani ng ahensya at security force ng SM para sa pagbubukas ng paaralan ngayong darating na buwan ng Hunyo.

Sa taunang Brigada Eskwela ng Kagawaran ng Edukasyon ay taon-taon din aniya na nakikiisa ang bawat volunteer ng mall para sa paghahanda ng mga paaralan.


Bukod sa pagtulong ng SM sa paglilinis, namimigay rin ang ilan sa mga volunteer ng mga libro, mga gamit sa paglilinis, mga table at upuan para sa mga mag-aaral.

Layon ng pagtulong ng SM na maitaguyod ang magandang edukasyon at mabigyan ng maayos at kaaya-ayang kapaligiran ang bawat mag-aaral.

Facebook Comments