SM City Cauayan, Nakiisa sa Paggunita ng Ika-121 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan!

*Cauayan City, Isabela*- Nakiisa ang SM City Cauayan sa paggunita sa Ika-121 anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan ng mga Pilipino laban sa mga dayuhang mananakop.

Dinaluhan ito ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Philippine National Police (PNP Cauayan), Philippine Air Force (PAF), Bureau of Fire Protection (BFP) at mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan sa Lungsod ng Cauayan.

Bilang bahagi sa pagdiriwang ng kasarinlan ay ibinida sa nasabing mall ang isang Centerpiece na binansagang ‘Bayan Kong Mahal’ na gawa ng isang pintor mula sa Lungsod ng Cauayan.


Ang nasabing centerpiece ay may taas na 9 na talampakan at may lapad na 16 na gawa sa kawayan at sumisimbolo ito ng pagmamahal sa bayan sa kabila ng pakikibaka ng mga Pilipino sa mga nagdaang kolonisasyon.

Makikita sa disenyo ng centerpiece ang watawat ng Pilipinas na nagpapakita sa pagkasabik ng mga Pilipino sa pagtamo ng kalayaan at kapayapaan ng bansa.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Chung Nung Thian, isang Filipino-Bermese, inspirasyon aniya ang pagiging isang Cauayeño at ipinagmamalaki nito sa buong bansa ang sining na nilikha nito na mula sa punongkahoy ng kawayan.

Patuloy naman aniya ang kanyang paglikha ng mga obra upang higit pang makilala ang galing ng mga Cauayeño pagdating sa sining.

Facebook Comments