SM City Cauayan, Pinuri dahil sa Ambag sa Ekonomiya ng Cauayan City

Cauayan City, Isabela- Kinilala ni Cauayan City Mayor Bernard Faustino Dy ang malaking ambag ng SM City Cauayan sa usapin ng ekonomiya sa kabila ng nararanasang pandemya dahil sa COVID-19.

Ito ay makaraang pangunahan ng alkalde ang pagpapailaw sa taunang Christmas Centerpiece ng mall.

Inihayag ng opisyal ang kanyang labis na pasasalamat sa pamunuan ng mall sa pagbibigay ng liwanag at pag-asa sa bawat Cauayeño gayundin ang maiparating pa rin ang diwa ng kapaskuhan.


Kaugnay nito, sinabi rin niya na mas magiging makabuluhan ang selebrasyon ng kapaskuhan sa paglalaan rin ng oras na makapamasyal sa mall kasama ang pamilya.

Samantala, masayang ibinalita rin ng alkalde ang status ng pagbabakuna sa lungsod kung saan malapit na umanong tamasahin ang target na bilang ng mga bakunado kontra COVID-19 bago sumapit ang kapaskuhan.

Nagpasalamat rin ito sa pamunuan ng mall sa pagiging katuwang sa ginagawang vaccination rollout ng lokal na pamahalaan.

Umaasa naman ang opisyal na sa kabila ng pandemyang kinakaharap ay makukuha pa rin na ngumiti kasama ang buong pamilya.

Facebook Comments