Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na talamak ang korapsyon sa Small-Town Lottery (STL) at peryahan ng bayan kaya niya ipinatigil ang operasyon nito.
Ayon sa pangulo, pinapayagan niya muli ang Lotto games dahil wala siyang nakitang anomalya rito.
Pero ibang usapin na pagdating sa STL at peryahan ng bayan.
Muli ring idiniin ng pangulo na mahirap puksain ang katiwalian dahil sa sobrang lalim nito.
Matatandaang iniimbestigahan na ng Office of the President ang malawakang korapsyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, pero aminado ang Malacañan na mahirap na patunayan ang alegasyon dahil sa kawalan ng paper trail.
Facebook Comments