Smaller digital transactions, pinag-aaralan ng BSP na i-exempt sa 12% VAT

Good news para sa mga pinoy na gumagamit ng digital services tulad ng Netflix, Spotify, at Lazada.

Pinag-aaralan na kasi ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na i-exempt sa pagbabayad ng 12% Value-Added Tax (VAT) ang mga “smaller digital transactions” tulad ng P500 pababa.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, nakakatulong sa ating mga mamamayan ang maliliit na transaction na ito at para mas marami pang pinoy ang mahikayat sa paggamit ng digital services.


Matatandaang noong nakaraang buwan ay naipasa na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagtatakda ng 12% vat sa mga digital transaction.

Facebook Comments