Smart Araneta Coliseum, aarangkada na bilang mega vaccination site ng COVID-19 sa Quezon City

Simula sa Sabado, May 15 ay magsisimula nang gawing mega vaccination site ang The Big Dome sa Quezon City.

Ito ang inanunsyo ng Quezon City Government matapos payagan ng management ng Smart Araneta Coliseum na gamitin itong mega vaccination site bilang pakikiisa sa layunin ng lungsod na mapabilis pa ang rollout ng bakuna.

Sa pagtaya ni QC Mayor Joy Belmonte, maaaring makapagbakuna 1,000-1,500 shots kada araw sa Araneta Coliseum.


Maliban dito ay magkakaroon din ng sariling medical personnel ang coliseum na may kakayahang mag-inoculate ng mga indibidwal na nasa 60-taong gulang pataas at kabilang sa A1 at A3 priority group.

Facebook Comments