Manila, Philippines – Tumungo na ng China si Foreign Affairs Secretary
Alan Peter Cayetano para makipagkita sa ilang tao na eksperto sa
pagdidisenyo, operation at maintenance ng mga ‘Smart Cities’.
Ayon kay Cayetano – magkakaroon siya ng dalawang meeting kasama ang isang
grupo na gumagawa ng smart urban areas.
Bukod dito, pag-aaralan din ang paggamit ng teknolohiya para mapaigting ang
jail management system lalo’t patuloy ang transaksyon ng droga sa mga
piitan sa Pilipinas.
Makikipagpulong din si Cayetano sa kanyang counterpart sa China para
talakayin ang panukalang joint exploration sa West Philippine Sea.
Ang isang ‘Smart City’ ay isang urban area na gumagamit ng iba’t-ibang
klase ng electronic data collection sensors para management ng mga assets
at resources.