Smart City Command Center, pormal nang inilunsad sa Baguio

Pormal nang inilunsad ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang Smart City Command Center sa lungsod.

Layon nitong mapaunlad pa ang buong Baguio hindi lamang sa peace and order situation gamit ang teknolohiya, ngunit para rin sa pagpapaunlad sa buong siyudad.

Dahil dito, pinuri ni Partido Reporma standard-bearer Panfilo Lacson ang inisyatibo sa pagbisita nito sa Baguio Convention Center nitong biyernes kasama ang ka-tandem nito na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.


Ayon kay Lacson, kaparehas ng programa ang mga plano nila sa Pilipinas na magkaroon ng full digitalization sa mga transaksyon ng pamahalaan.

Habang maituturing din aniya itong dream come true dahil mas mapapadali ang pagkolekta, pagpapadala, pag-aaral at pagtatago ng mga kinakailangang impormasyon o datos.

Para pa kay Lacson, ang ginagawa ng alkalde ay perpektong halimbawa ng isang magandang pamamahala.

Si Magalong ay tatakbo muli bilang alkalde ng lungsod sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition kung saan Chairman si Senator Sotto.

Facebook Comments