*Cauayan City, Isabela*- Inilunsad na nang pamahalaang lokal ng Cauayan ang bagong Smart City Application Version 2 na layong mapadali ang transaksyon at pagbabayad sa ilang ahensya ng gobyerno.
Dahil dito ay magiging e-cashless payment na kung saan hindi na kailangang makipila pa upang magbayad ng bill.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Christian Dalog, IT Specialist ng LGU Cauayan, ito ay maaring idownload gamit ang inyong android phone upang mas mapabilis ang transakyon sa pagbabayad at makikta din sa nasabing aplikasyon ang ilang mahahalagang aktibidad na nangyayari o isasagawa sa Lungsod.
Ang nasabaing aplikasyon ay ipinagkaloob ng isang negosyante na si David Almirol na tubong Sillawit, Cauayan City na ngayon ay nagmamay ari ng ng isang malaking kumpanya na Multisys Technologies.
Ito rin aniya ang gumawa ng ilang website application ng ilang kilalang bangko sa bansa.
Samantala, Inaasahan naman na magkakaroon din ng kiosk ang lahat ng barangay sa Lungsod upang hindi na kailangang magtungo sa ilang bayad center at makaiwas na rin sa abala.