Smart policing, isusulong ng bagong PNP chief

Screenshot from RTVM's live

Isusulong ng bagong talagang pinuno ng Philippine National Police (PNP) na si Gen. Rommel Francisco Marbil ang smart policing para mas mahusay na magampanan ng pulisya ang kanilang trabaho sa gitna ng mga pagbabago sa lipunan dulot ng modernong teknolohiya.

Ang pahayag ay ginawa ni PGen. Marbil matapos na panumpain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang ika-30 pinuno ng PNP kapalit ni Gen. Benjamin Acorda Jr.

Ayon kay Gen. Marbil, ang smart policing ay kanyang isusulong sa pamamagitan ng pagtitiyak ng kalidad ng mga lider ng PNP, pagpapahusay sa kapabilidad ng mga pulis na itaguyod ang batas at pagpapaangat sa tiwala ng mamamayan sa PNP.


Si PGen. Marbil ay mistah ni dating PGen. Benjamin Acorda sa Philippine Military Academy Class of 1991.

Si Marbil ay Officer-in-Charge ng Directorate for Comptrollership bago italaga bilang PNP Chief.

Miyembro si Marbil ng Philippine Military Academy Class of 1991 kung saan nagsilbi rin itong hepe ng PNP Regional Office 8.

Facebook Comments