Smartmatic, dapat nang idispatiya ng Comelec – PRRD

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng bagong contractor para sa automated elections sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa Filipino community sa Japan, sinabihan ng Pangulo ang Commission on Elections (Comelec) na palitan ang Smartmatic.

Dagdag pa ng Pangulo – ang paggamit sa Smartmatic ay lumilikha lang ng “hostile environment” dahil maraming kandidato ang nagrereklamong nadaya sila.


Mayroon pang tatlong taon ang Comelec bago ang 2022 Presidential Elections para maghanap ng bagong election technology provider.

Iginiit ng Pangulo na hindi nabibilang ng tama ang boto ng mga Pilipino.

Bago ito, sinabi ng Malacañang na ang nakalipas na 2019 midterm elections ay credible kung saan may maliit lamang na porsiyento ng vote counting machines (VCM) ang nagkaproblema.

Idinagdag pa ng Palasyo, na ang delayed transmission ng resulta mula sa voting precincts patungo sa Comelec Transparency Server ay hindi dapat magdulot ng pangamba.

Ipinare-review din ng Palasyo sa Comelec ang Smartmatic contract kasunod ng nangyaring technical glitch.

Ang Smartmatic ay poll technology provider ng Pilipinas mula noong unang ipinatupad ang nationwide automated elections noong 2010.

Facebook Comments