Smartmatic, iginiit na walang nangyaring dayaan sa mga nakalipas na halalan matapos katigan ng Korte Suprema vs Comelec

Welcome para sa Smartmatic ang desisyon ng Korte Suprema na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Commission on Elections (Comelec) matapos pagbawalan ang election provider na makiisa sa bidding para sa 2025 midterm elections.

Sa isang pahayag, sinabi ng Smartmatic na nabigyan nito ng paglilinaw na walang nangyaring dayaan sa mga nakalipas na automated elections sa bansa.

Binira naman ng Smartmatic ang Comelec dahil sa biglaang deklarasyon na hindi na pwedeng magserbisyo ang mga Vote Counting Machines nila sa kabila ng nagpapatuloy na warranty.


Batay sa desisyon ng Supreme Court, hindi nagkaroon ng maayos proseso at kulang ang ebidensiya para i-disqualify ang Smartmatic.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang Comelec matapos ang ruling ng Korte Suprema.

Facebook Comments