Smartmatic, maraming dapat ipaliwanag

Iginiit ni Senator Koko Pimentel na dapat magpaliwanag ng malinaw ang Smartmatic sa Commission on Elections, sa National Privacy Commission at sa publiko.

Kaugnay ito sa umano’y breach sa mga hawak nilang impormasyon ukol sa mga botante na dapat nilang pinag-iingatan.

Sinabi ito ni Pimentel, makaraang lumabas sa ginawang executive session ng Senate Electoral Reforms Committee na may isa umanong empleyado ang Smartmatic ang naglabas sa opisina ng laptop at ipinakopya sa iba ang nilalaman nito na tungkol sa mga botante at iba pang may kinalaman sa eleksyon.


Tinukoy ni Pimentel ang sinabi ni acting Secretary Rey Caintic ng Department of Information and Communications Technology na na ang nangyari sa Smartmatic ay paglabag sa Data Privacy Law.

Nakapaloob aniya sa nasabing batas ang parusang pagkakabilanggo at multa sa sinumang magsasapubliko ng mga confidential na impormasyon.

Facebook Comments