Smartmatic Philippines, hindi na papayagang makilahok sa lahat ng COMELEC procurement

Diniskwalipika na ng Commission on Elections (Comelec) ang voting technology provider Smartmatic Philippines, na makilahok sa lahat ng Comelec procurement.

Matatandaang noong Hunyo ay naghain sina dating Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio, dating Comelec Commissioner Augusto Lagman, Franklin Ysaac, at Leonardo Odoño ng petisyon na nananawagang rebyuhin ang kwalipikasyon ng Smartmatic.

Ayon sa mga petitioner, dapat daw ay huwag payagan na makasali sa bidding ang Smartmatic dahil sa pagdududa sa integridad sa mga nagdaang halalan.


Pero nilinaw ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, na ang kanilang naging desisyon ay hindi nakabase sa mga alegasyong inihain ni Rio at ng iba pang petitioner.

Facebook Comments