MANILA – Nanawagan ang ilang mambabatas sa House of Representatives na imbestigahan ang kumpanyang Smartmatic dahil sa mga pumalyang Vote Counting Machines noong araw mismo ng halalan.Base sa ulat ng Commission on Elections nasa 2,363 na VCM ang nag-malfunction sa kasagsagan ng botohan noong lunes.Ilan sa mga makina ay iniluluwal at nire-reject ang mga balota habang ang iba ay hindi naman makapaglabas ng resibo.Pero, agad na dumipensa rito ang kumpanyang Smartmatic.Sa interview ng RMN kay Smartmatic Spokesman Atty. Karen Jimeno, batay sa kanilang datus aabot lamang sa 0.15 percent ang mga pumalyang VCM mula sa kabuuang 92,509 na mga makina.Karamihan din aniya sa mga naging problema ay mula sa maling paggamit ng mga Board of Elections Inspector at hindi mismo sa VCM.Nabatid na magsasagawa ng assessment ang Comelec sa eleksyon at sa performance ng mga makina bago gumawa ng susunod na hakbang.
Smartmatic, Pumalag Sa Panawagang Imbestigasyon Kaugnay Sa Mga Pumalyang Vcm Noong Araw Ng Halalan.
Facebook Comments