Manila, Philippines – Hindi mo na kailangan pang pumunta sa mga coffee shop o sa coffee vending machine para lang makapag-kape.
Trending kasi ngayon sa United Kingdom ang kakaibang smartphone case na may instant coffee maker.
Tinawag itong “mokase” kung saan target nito ang mga taong mahilig mag kape anytime at anywhere.
Gumagana ito kapag nilagyan ng capsule coffee ang case at bahala na daw ang mokase app na magtitimpla ng kape mo.
Ang built in battery umano nito ang siyang bahala sa lusawin ang capsule coffee sa loob ng 50-60 degree Celsius at kapag tapos na, ang pipe naman sa ibabaw ng case ang paglalabasan ng instant na mainit na espresso.
Ang mokase case ay available na sa smartphone models na apple, Samsung at LG na nagkakahalaga ng 56 dollars o halos 2744 pesos kapag nag pre order sa Mokase website.
Photo from: odditycentral.com
DZXL558
Smartphone case – may instant coffee maker
Facebook Comments