Dumulog sa Court of Appeals ang San Miguel Corporation (SMC) Global Power para hilingin na baligtarin ang desisyon ng Energy Regulatory Commission.
Partikular ang pagbasura ng ERC sa kanilang petisyon na magdagdag ng singil sa kuryente.
Base sa desisyon ng ERC, wala silang nakikitang dahilan para itaas ang singil sa kuryente.
Ayon naman ng SMC Global Power, ang paghingi nila ng dagdag singil ay dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo na pangunahing ginagamit nila sa operasyon.
Ang SMC Global ay power provider ng Meralco.
Facebook Comments