SMC Infrastructure, hindi maniningil ng toll fee sa Christmas Eve at New Year’s Eve

Inanunsyo ng San Miguel Corporation (SMC), sa pamamagitan ng SMC Infrastructure, na iwe-waive nila ang toll fees sa expressways sa Christmas Eve at New Year’s Eve.

Ayon sa SMC, sakop nito ang Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX), South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Mula 10:00 pm ng December 24 hanggang 6:00 pm ng December 25, hindi maniningil ng toll fee ang SMC Infrastructure sa mga nabanggit na expressway.


Habang mula 10:00 pm ng December 31 hanggang 6:00 am ng January 1, 2025 ay waived din ang toll fee sa limang nabanggit na expressway na ino-operate ng SMC.

Tiniyak naman ng SMC na nakahanda sila sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista ngayong holiday season.

Facebook Comments