SMILES ni Congw. Bai Sandra Sema, ibinida sa kanyang Ulat sa Distrito!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay inilatag ni Deputy Speaker at Maguindanao 1st district with Cotabato City Congw. Bai Sandra Sema ang kanyang mga napagtagumpayan sa kanyang 8 taung panunungkulan.

Sa kanyang “Ulat sa Distrito” na ginanap sa Sharif Kabunsuan Cultural Complex sa loob ng ARMM compound dito sa Cotabato city, ibinida ni Congw. Sema ang kanyang SMILES.

Ang S-ay tumutukoy sa Socio-economic Development, M-para sa Medical Care, I-infrastructure Development, L-Legislative Actions, E- para sa Education Support at S- para sa Separate Legislative District and Province.


Sa usapin ng Socio-economic Development, mahigit sa 100 kilometro ng farm to market road ang gawa na, nariyan din ang torurism highways, local ports at iba pa.

Sa Medical Care ay nag-laan ng budget ang Kongresista para sa medical at nutrition assistance, state of the arts hospitals, rural health stations, mga ambulansya at suporta para sa medical missions.

Abot naman sa 224.58 kilometro ng kalsada, 9 na mga tulay na nag-uugnay sa eastern at western district ang natapos na, 7, 297 na linear meters ng flood control o riverbanks protection ang tapos na, 126 na multi-purpose buildings na rin ang naipatayo, 11 water systems, 9 na health units, 132 na school buildings, nagawa rin ang sea ports at naipakumpuni ang airport sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa usapin ng Legislative Actions, si Congw. Sema ang nag-akda ng R.A no. 10153 o SYNCHRONIZATION OF THE ELECTIONS IN THE AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO (ARMM) WITH THE NATIONAL AND LOCAL ELECTIONS, Principal author din ang mambabatas ng House Bill 92 at co-author ng HB6475 o ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa usapin ng Education support, mahigit 2, 000 ang schoolars ng kongresista, regular din itong namamahagi ng school supplies, Iconic School Facilities, at mayroon pang technical at vocational training beneficiaries.

Ipinanukala na rin nito ang re-creation ng binuwag na lalawigan ng Sharif Kabunsuan na kikilalaning Province of Maguindanao North at ang magkaroon ng separate congressional district ang Cotabato city.

Si Congw. Sema ay nasa kanyang huling termino na.

Facebook Comments