SMNI, nagtungo sa Korte Suprema para ipatigil ang ipinataw na indefinite suspension sa kanila ng NTC

 

Iniakyat na ng SMNI sa Korte Suprema ang ipinataw na indefinite suspension laban sa kanila ng National Telecommunications Commission (NTC).

Sa 46 na pahinang petition for certiorari and prohibition, iginiit ni dating Presidential Spokesman Harry Roque na kumatawan sa SMNI, walang karapatan ang NTC na suspendihin ang prangkisa ng media entity.

Korte lamang aniya, ang makagagawa nito o kaya ay sa pamamagitan ng pagpasa ng batas na nagpapawalang bisa sa prangkisa ng kompanya.


Kasabay nito, nanindigan ang mga anchor at reporter ng SMNI na patuloy pa nilang lalabanan ang ginawa ng NTC na nakaapekto sa kanilang kabuhayan at pamilya.

Matatandaan na unang ipinaliwanag ng NTC na sapat at detalyado ang inihain nilang deisisyon laban sa network kung saan muli nilang iginiit na lumalabag ang SMNI sa 30-day suspension noong Disyembre 19.

Facebook Comments