SMNI, pinatawan ng indefinite suspension ng NTC

Pinatawan ng National Telecommunications Commission (NTC) ng indefinite suspension ang operasyon ng radyo at telebisyon ng Sonshine Media Network International o SMNI.

Ito’y matapos ang hindi pagtalima ng SMNI sa nauna nang ipinataw na 30-day suspension dito ng NTC.

Ang suspensyon ay iiral habang dinidinig ang administrative case laban sa kompanya.


Bukod dito, inatasan ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez ang SMNI na magpaliwanag sa loob ng 15 araw kung bakit hindi nito sinunod ang nauna nilang kautusan noong Disyembre.

Sa pahayag naman ni Atty. Mark Tolentino, isa sa mga abogado ng SMNI, hinahanapan na nila ito ng legal na remedyo at maghahain sila ng motion for reconsideration.

Facebook Comments