SMOG NA MULA SA PAGBUGA NG BULKANG TAAL, NARARANASAN SA ILANG BAHAGI SA BAYAN SAN JACINTO

Umabot na sa ilang bahagi sa bayan ng San Jacinto ang VOG o ang volcanic smog bunsod ng patuloy na ibinubuga ng Taal Volcano.
\
Pangamba ng ilang residente ang kapal ng usok na nakitaan lalo na bandang alas sais hanggang alas syete ng umaga ngayong araw. Matatandaan naman na nagpakawala ng sulfur dioxide ang Taal Volcano kahapon, Sept. 22.

Ang smog ay isang uri ng polusyon sa hangin na sanhi ng mga bulkan at binubuo ito ng mga pinong patak na naglalaman ng volcanic gas tulad ng Sulfur Dioxide (SO2) na may masamang banta sa kalusugan kung tumagal ang exposure rito.
Kaugnay nito ay pinapayuhan ang mga apektadong mamamayan na magsuot ng face mask bilang panlaban sa maaaring maging masamang epekto nito sa kalusugan tulad ng ng iritasyon sa mga mata, lalamunan at respiratory tract na maaaring maging malubha depende sa konsentrasyon o tagal ng pagkalanghap nito. |ifmnews
Facebook Comments