Pinaigting ng Taguig Smoke-Free Task Force ang kampanya kontra paninigarilyo at pagpapatupad ng pamahalaang lungsod ng City Ordinance No. 15 o kilala rin bilang Comprehensive Smoke-free Ordinance.
Mas pinalawig ito sa pamamagitan ng pag-alis ng mga signage sa mga sari-sari store na nag-eendorso sa paggamit ng sigarilyo, kasabay ng pagdiriwang ng National No Smoking Month.
Pininturahan din ng task force ang mga poster o banner ng mga tindahan na nagpo-promote ng paninigarilyo.
Naglagay naman ang task force ng mga anti-smoking stickers sa mga sari-sari store at mga sasakyang pampubliko.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Taguig, ang pagsisikap na ito ay bahagi ng estratehiya ng lungsod upang maalis ang mga visual trigger at mabawasan ang mga public exposure sa mga advertisement na may kaugnayan sa paninigarilyo.
Layunin ng lungsod na isulong ang isang malusog at smoke-free na komunidad.