Manila, Philippines – Umapela ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Local Government Units na ipatupad ang smoking ban sa buong Metro Manila.
Ayon kay Dr. Loida Alzona, MMDA head for Health Public Safety Environmental Protection, limang LGU pa lang sa Metro Manila ang sumusunod sa World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control.
Kabilang sa mga lungsod na ito ay ang Caloocan, Muntinlupa, San Juan, Mandaluyong at bayan ng Pateros.
Giit ni Alzona, target nilang mapasunod sa tobacco control ang iba pang lungsod para na rin sa malusong na kapaligiran at makaiwas sa sakit dulot ng paninigarilyo.
Batay sa datos ng WHO, umaabot sa pitong milyong tao sa buong mundo ang namamatay kada taon dahil sa sigarilyo.
Facebook Comments