SMOKING BAN | Nasa 1,000 indibidwal, nahuling lumalabag sa Muntinlupa sa buwan ng Agosto

Manila, Philippines – Nasa 1,504 indibidwal ngayong Agosto ang nahuli ng Muntinlupa Smoke Free Task Force na lumabag sa Smoking Ban na ipinatutupad sa lungsod.

Ayon kay Tez Navarro, PIO ng Muntinlupa, ang mga indibidwal na ito ay binigyan ng ticket at pinagmulta ng nasa 500 hanggang 5 libong piso na mayroong kasamang community service na hindi bababa sa 2 hanggang 14 na oras, depende sa bigat ng kanilang paglabag.

Samantala, nasa 459 naman na pakete ng sigarilyo ang nakumpiska ng Task Force na karamihan ay nakuha mula sa mga naglalako nito.


Kaugnay nito, muling nagpaalala ang Pamaalaang Lungsod ng Muntinlupa sa mga residente at bisita nila na iwasan ang pag gamit, pagbibenta o pamamahagi ng sigarilyo sa lungsod upang iwas abala.

Ang Muntinlupa Smoke Free Task Force ay binubuo ng mga kinatawan mula sa City Health Office, PNP, Muntinlupa Traffic Management Bureau, Public Order and Safety Office, Public Information Office, at iba pang local offices.

Facebook Comments