Smoking ban sa bayan ng kalibo, epektibo na

Manila, Philippines – Epektibo na simula noong Marso 23 ang smoking ban sa mga pampublikong lugar sa bayan ng Kalibo.

 

Ayon kas SB Cynthia Dela Cruz, Committee Chair on Health and Soft Implementation ay magtatagal nang 90 araw bago ito ganap na maipatupad sa Hunyo 23.

 

Base sa ordinance no. ‎2016-004, ipinagbabawal ang paggamit, pagbenta, pagdi-distribute at pag-a-advertise ng sigarilyo at iba pang mga produktong tabako, maging ang electronic cigarettes, sa mga pampublikong lugar.

 

Ang mga lalabag sa batas na ito ay papatawan ng kaukulang penalidad na hindi tataas sa 2, 500 pesos at pagkakulong ng limang araw o pagpapasara sa establisyemento.

 

Una nang sinabi ni Dela Cruz na ipapatupad ang batas na ito sa lahat ng mga pampublikong lugar maliban sa bahay, at mga designated area sa mga terminal, hotel, at airport.


Facebook Comments