Sa harap ng mga natuklasan ng Bureau of Custom-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) na sunud-sunod na smuggling ng agricultural products, maaari nang matunton ng mga awtoridad ang lokasyon o bagsakan ng mga smuggled products na pinapasok sa bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng Container Registry and Monitoring System o TOP-CRMS.
Matutunton na rin ng pamahalaan kung saang warehouse iniimbak ang mga pinagduduhang kargamento.
Una na ring kinumpirma ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago na ang sistemang ito ay may global positioning tracker system dahilan para matukoy kung saan ide-deliver ng mga registered truckers ang mga kargamento nito.
Madalas kasi aniya na gumagamit ang mga smugglers ng pekeng address at consignee para ilusot ang mga kargamento.