Smuggled na agricultural products, nasabat ng Bureau of Customs sa Port of Subic

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) katuwang ang Department of Agriculture (DA) ang ilang mga agricultural products na pinaniniwalaang iligal na nakapasok sa bansa.

Agad na naglabas ng Alert Order si Port of Subic District Collector Maritess Martin sa shipment ng Veneta Consumer Goods Trading at Lalavy Aggregates Trading kung saan galing ang mga kargamento sa bansang China.

Isinailalim sa physical examination ang 1×40 na shipment ng Veneta Consumer Goods Trading na unang idineklarang mga foodstuffs pero pawang Frozen Carrots ang laman nito.


Ang 2×40 na shipment na nakapangalan sa Lalavy Aggregates Trading na idineklarang Frozen Lobster Balls at Crabsticks ay nadiskubre na ang laman ay mga pula at puting sibuyas.

Nakatakdang maglabas ng Warrants of Seizure and Detention ang Port of Subic sa mga nasabing shipments matapos itong isailalim sa inventory.

Ang mga nakapangalan consignee ay nakatakdang sampahan ng kaso ng BOC at ng DA saka isasailalim sa imbestigasyon upang matukoy ang mga kasabwat nito.

Facebook Comments