Smuggled na asukal at sigarilyo, natuklasan ng BOC sa Manila International Container Port

Umaabot sa higit P90 milyong halaga ng smuggled na asukal at sigarilyo ang natuklasan ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP).

Mismong si Customs Commissioner Bienvenido Rubio kasama ang ilang opisyal ng MICP ang nagsagawa ng inspeksyon sa limang shipment na pawang mga smuggled asukal at sigarilyo ang laman.

Nabatid na ang tatlo sa limang shipment ay mula Hong Kong habang ang iba ay mula sa China.


Dumating ang mga nasabing kargamento sa MICP noong January 5 hanggang February 12, 2023.

Ayon kay Customs Commissioner Rubio, malaki ang malulugi sa eknomiya ng bansa kung makakarating ang mga ito sa merkado.

Aniya, patuloy silang magbabantay at magmomonitor ng anumang kargamento na papasok sa bansa para masiguro na mahinto ang smuggling.

Sa ngayon, kinumpiska ng customs ang mga kontrabando at inaalam na nila kung sino-sino ang mga kasabwat na indibidwal na nagpapasok nito sa bansa.

Facebook Comments