Smuggled na diesel, nasamsam ng Philippine Navy sa Corregidor Island

Naharang ng BRP Lolinato To-Ong ng Philippine Navy ang oil tanker na may kargang 847,000 litro ng undocumented diesel fuel sa Corregidor Island.

Sa ulat ng Naval Forces Southern Luzon, tinukoy ang naharang na oil tanker na M/T Braleman 1 na may sakay na 11 tripulante.

Nagkakahalaga ng ₱50.8-M ang smuggled diesel.


Bago nito, nakatanggap ang Naval Forces Southern Luzon ng impormasyon hinggil sa apprehension alarm na inilabas ng Coastguard District Palawan.

Natukoy din ang oil tanker sa paligid ng Cabra Island sa Mindoro habang patungo sa Manila Bay hanggang sa maharang ito ng BRP Lolinato To-Ong.

Samantala, agad namang itinurn-over ng Naval Forces Southern Luzon ang oil tanker sa mga kinauukulan para sa kaukulang imbestigasyon.

Facebook Comments