Nasa tatlong warehouse sa Tondo, Maynila ang sinalakay ng Intelligence Group ng Bureau of Customs (BOC) kung saan sako-sakong sibuyas ang kanilang nakumpiska.
Partikular na ikinasa ang operasyon sa mga warehouse sa Carmen Planas Street kung saan nasa ₱800,000 halaga ng sibuyas ang kanilang nadiskubre.
Walang Sanitary and Phytosanitary Import Clearances (SPSIC) at iba pag kaukulang dokumento ang nasabing shipment kaya’t agad itong kinumpiska.
Nabatid na lumabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 (RA 10845), Intellectual Property Code of the Philippines (RA 9283), at Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863) ang may-ari ng mga nakumpisang sibuyas na kasalukuyan ng hinahanap.
Inaalam na rin kung kasabwat sa iligal na aktibidad ang ilang indibdwal na nagpapa-upa ng mga warehouse kung saan ito nakaimbak.