Smuggled na sigarilyo at expired na produktong pagkain, nakumpiska ng CIDG

Arestado ang anim na indibidwal dahil sa pagbebenta ng smuggled na sigarilyo at expired na produktong pagkain matapos ang Oplan Megashopper ng mga awtoridad.

Kinilala ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., ang mga nahuli sa operasyon sa Nueva Ecija na sina Lilia Cajucom, Danilo Cabildo, Apple Abia, Thalia Guillermo Abiog at James Salvador Gaoa.

Nakumpiska sa kanila ang iba’t ibang brand ng sigarilyo na may estimated market value na P277,000.


Habang nasakote sa operasyon sa Pampanga ang suspek na kinilalang si Loreta Galino dahil sa pagtitinda ng expired na produktong pagkain na nagkakahalaga ng P30,000.

Kabilang sa nakuha sa kanya ang kilalang brand ng powder juice, biscuits, cup noodles, chocolate at cheese.

Sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa RA 7394 o Consumer Act of the Philippines.

Facebook Comments